Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Abra: Hip hop, may maiaambag sa ikabubuti ng mundo

(GMT+08:00) 2018-06-22 14:40:27       CRI
Kasalukuyang nasa Shanghai ang sikat na rapper at 2018 Gawad Urian Best Actor na si Abra upang dumalo sa Ika-21 Shanghai International Film Festival (SIFF).

"Unang pagdalaw ko sa Tsina at nakakataba ng puso na maanyayahan ako dito para sa napakaprestiyosong Shanghai International Film Festival. I'm in shock." Pahayag ni Abra, bida ng pelikulang Respeto.

Ang Respeto ay nominado para sa Best Director at Best Actor sa Asian New Talent Award.

Si Abra habang kinakapanayam ni Mac

Ani Abra, "Napakalaking karangalan, ikinatutuwa ko at ipinagmamalaki ko bilang Pilipino na nakarating tayo at na-nominate tayo sa ganito kalaking event. Bilang alagad ng sining at isang tagapagtaguyod ng kultura ng rap at hip hop sa Pilipinas di ko pa lubos itong maisaisip. Sobrang big deal nito sa akin dahil binigyan ako ng ibang bagay na gusto kong gawin. Ang nominasyon ay isang malaking stepping stone at lubos akong nagpapasalamat."

Malaki ang interes ng publikong Tsino sa hip hop ngayon. Ano sa palagay niya ang matututunan ng mga hip hop at rap fans na Tsino matapos mapanood ang Respeto? Tugon ni Abra, "Hip hop knows no boundaries. It's a form of expression through elements like rap, breakdancing, DJing (and) graffiti art. Kaya ako bilang isang rapper na galing sa Pilipinas at makarating sa ganitong klaseng international festival siguro maipapakita natin na kung minamahal mo ang ginawaga mo, makakarating ka sa mga lugar na di mo inaasahang marating."

Hangad niyang sa pamamagitan ng Respeto makita ng mga manonood na Tsino ang sitwasyon sa Pilipinas. Paliwanag niya maraming problema ang bansa at ang rap ay isang mainam na paraan para makakita ng refuge. Aniya pa, "Kahit nasa slums ka, may paraan para makatakas ka at mahanap ang kasiyahan sa tulong ng sining. Nagkataon na sobrang rap country ng Pilipinas. Buhay na buhay ang kultura sa Pilipinas at isa 'yon sa mga paraan para ilahad ang saloobin, para maibsan ang mga hinaing mo at may masabi kang mensahe at posibleng marinig ng ibang tao dahil ito nga ang pinakikinggan sa Pinas na medium. Ang rap ay tool for the betterment of mankind."

 Sina Treb Monteras at Abra. Makikita sa likuran ang mga poster ng pelikulang kalahok sa Asian New Talent Award, kabilang ang Respeto (gitna itaas)

Ang awards night ng Asian New Talent Award ay gaganapin sa Hunyo 22, 2018 at naglalaban-laban ang mga piling pelikula mula sa Tsina, Pilipinas, Hapon, Iran, Malaysia at Chinese Taipei.

Pagkatapos ng Shanghai, ang Respeto ay lalahok at mapapanood din sa film festivals na gaganapin sa New York, Bucheon at Tokyo.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>