|
||||||||
|
||
Tan Weiping, Acting Director-General ng International Poverty Reduction Center in China (IPRCC)
Natapos ngayong hapon, Ika-28 ng Hunyo, 2018, ang dalawang araw na 12th ASEAN-China Forum on Social Development and Poverty Reduction.
Sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Tan Weiping, Acting Director-General ng International Poverty Reduction Center in China (IPRCC) na ang kahirapan ay komong hamong kinakaharap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Aniya, batay sa mga talakayan sa dalawang araw na porum, maaaring natamo ang apat na konklusyon:
Una, nakamtan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang malaking bunga, pero, nananatili pa rin ang mga banta. Ikalawa, nahanap ng lahat ng bansa ang kani-kanilang sariling kalutasan sa aspekto ng pagbabawas ng kahirapan. Ikatlo, ang urbanisasyon ay nagdulot ng pagkakataon sa mga mahirap na populasyon sa kapuwa lunsod at nayon. At ika-4, ang pagpapalalim ng kooperasyong Sino-ASEAN at pagtatatag ng China-ASEAN Community ay naging isa sa mga mabisang kalutasang panrehiyon sa aspekto ng pagbabawas ng kahirapan.
Ang tema ng nasabing porum ay "Enhancing Poverty Reduction Partnership for an ASEAN-China Community with a Shared Future."
Mga kalahok sa porum
Ito ay magkasamang itinaguyod ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ng Pilipinas at State Council Leading Group Office of Poverty Alleviation and Development (LGOP) ng Tsina. Mula noong 2007, ang naturang porum ay magkakasunod na idinaos sa Tsina, Biyetnam, Indonesya, Myanmar, Laos, Kambodya at Pilipinas at naging isang mahalagang plataporma ng pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Ulat/Larawan: Sissi
Pulido: Rhio/Jade
Web-edit: Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |