Mula ngayong araw Agosto 17 hanggang ika-21 ng buwang ito, isinasagawa ni Dr. Mahathir bin Mohamed, Punong Ministro ng Malaysia ang pagdalaw sa Tsina. Ito ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina at ang Tsina ay unang bansa sa labas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na binisita niya sapul nang manungkulan siya bilang PM ng Malaysia.
Sa kanyang panayam sa Xinhua News Agency ng Tsina Agosto 16, ipinahayag ni Mohathir na mahalaga ang relasyon ng kanyang bansa sa Tsina. Aniya, puspusang nagpasulong siya ng mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Tsina sa kanyang nakaraang termino bilang PM mula 1981 hanggang 2003, naniniwala siyang ang kaunlaran ng Tsina ay nakakabuti sa Malaysia, at malugod na tinatanggap niya ang pamumuhunan mula sa Tsina.
Nanumpa sa kanyang tungkulin si Mohathir bilang PM noong ika-10 ng Mayo. Pinananatili ng bagong pamahalaan ng Malaysia ang pakikipag-ugnayan at mahigpit na pakikipagpalitan sa Tsina, dahil dito, nagkaroon ng matatag na transisyonal na panahon ang relasyon ng dalawang bansa.
salin:Lele