Idinaraos ngayon sa Jakarta, Indonesya, ang eksibisyon ng mga larawan bilang pagdiriwang sa ika-80 anibersaryo ng pagkakatatag ng Sangay ng Bank of China sa Jakarta.
Ipinakikita ng mga larawan ang kasaysayan at mga natamong bunga ng naturang sangay. Tatagal ito sa kalagitnaan ng darating na Oktubre ng taong ito.
Noong 1938, itinatag ng Bank of China ang ahensiya sa Batavia (dating tawag ng Jakarta), at suspendido ang takbo nito noong 1964. Noong Abril ng 2003, napanumbalik ang operasyon ng naturang ahensiya bilang sangay ng Bank of China, at pagkatapos, itinatag din nito ang 9 na tanggapan sa Jakarta, Surabaya, at Medan ng Indonesya. Isa sa mga pangunahing tungkulin ng sangay na ito ay paglilingkod sa mga bahay-kalakal na Tsino na namumuhunan sa Indonesya.
Salin: Liu Kai