|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Sabado, Agosto 18, 2018 ng Kofi Annan Foundation na si Kofi Annan, tagapagtatag ng pundasyong ito at dating Pangkalahatang Kalihim Kofi Annan ng United Nations (UN), ay pumanaw na sa Switzerland sa edad na 80 anyos.
Ipinahayag nang araw ring iyon ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang lubos na kalungkutan sa pagyao ni Annan.
Sa panunungkulan bilang UN Secretary General, iniharap ni Annan ang maraming ideya at plano ng reporma sa mga isyung gaya ng pangangasiwa sa sekretaryat, pagbuo ng UN Security Council, pangangalaga sa karapatang pantao, at pagpapalakas ng mga aksyong pamayapa. Bukod dito, nakilala siya sa kanyang kontribusyon sa usapin ng pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng Aprika, pagpapataas ng katayuan ng mga kababaihan, pagpawi ng karalitaan, pagpapabuti ng edukasyon, at iba pa.
Nang nabubuhay pa si Annan, maraming beses siyang bumiyahe sa Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |