Nag-usap Agosto 6, 2018 sa Beijing sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Maria Fernanda Espinosa Garces, bagong halal na Pangulo ng Ika-73 Pangkalahatang Asemblea ng UN.
Ipinahayag ni Wang ang pag-asang magsisikap ang komunidad ng daigdig para palakasin ang komong palagay hinggil sa multilateralismo, suportahan ang papel at kapangyarihan ng UN, pangalagaan ang Karta ng UN bilang nukleong prinsipyo ng sistemang pandaigdig, at pasulungin ang globalisasyong pangkabuhayan. Aniya, dapat labanan ng komunidad ng daigdig ang unilateral na proteksyonismo sa kalakalang pandaigdig, suportahan ang pandaigdigang regulasyon at pangangasiwa sa pamamagitan ng batas, at pangalagaan ang komong interes ng mga mamamayan ng ibat ibang bansa.
Ipinahayag naman ni Espinosa Garces ang pasasalamat sa suportang ibinibigay ng Tsina sa multilateralismo at positibong papel ng UN sa mga suliraning pandaigdig. Aniya, kinakatigan at kakatigan ng UN ang "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina. Aniya, gagawa ito ng ambag sa pagpapasulong ng global development.