Bilang sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nakipag-usap Agosto 19, 2018 sa Jakarta si Pangalawang Premyer Sun Chunlan ng bansa kay Puan Maharani, Ministro ng Human Development at Cultural Coordination ng Indonesia.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, ipinahayag ni Sun ang pagbati sa pagbubukas ng 18th Asian Games, at pakikiramay sa naganap na lindol kamakailan sa Indonesia. Ipinahayag ni Sun na bilang komprehensibong estratehikong magkatuwang, mabunga at mabilisang umuunlad ang ugnayan ng pambansang estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at Indonesia, at pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, nitong limang taong nakalipas. Aniya, sa harap ng masalimuot na kalagayang pampulitika at pangkabuhayan ng daigdig, nagkaroon ang Tsina at Indonesia ng mainam na pagpapalitan at koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag naman ni Puan Maharani ang pasasalamat sa suporta na ibinibigay ng Tsina sa 18th Asian Games, at tulong ng Tsina sa mga purok na nilindol sa Indonesia. Ito aniya'y nagpapakita ng mapagkaibigang relasyon ng pamahalaan, at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.