|
||||||||
|
||
Natapos Martes, Agosto 21, 2018, ni Mahathir Mohamad, 93 anyos na bagong halal na Punong Ministro ng Malaysia, ang kanyang unang biyahe sa Tsina makaraang manungkulan siya sa nasabing posisyon. Matapos magwagi ang Pakatan Harapan, Liga ng mga Partidong Oposisyon ng Malaysia, sa pambansang halalan, ipinalalagay ng mga mediang kanluranin na magbabago nang malaki ang patakaran sa Tsina ng bagong pamahalaang Malay na pinamumunuan ni Mahathir. Higit nilang ipinalalagay na isasagawa ng pamahalaan ni Mahathir ang patakarang ostilo sa Tsina. Ngunit, napili niya ang Tsina bilang kanyang unang binisitang bansa sa labas ng ASEAN (Assocation of Southeast Asian Nations) makaraang manungkulan siya. Ipinakikita nitong imposible gumawa siya ng di-matalinong desisyong sisira sa ugnayan sa Tsina.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Mahathir, lubos na hinahangaan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mataas na pagpapahalaga ng bagong pamahalaan at ni Mahathir sa relasyong Sino-Malay. Lubos din niyang pinapurihan ang ibinibigay na suporta ng Malaysian Prime Minister sa inisyatibo ng "Belt and Road," at ang ginagawang mahalagang ambag niya sa pagpapasulong ng kooperasyon sa rehiyong Asyano. Ipinagdiinan ni Xi na dapat pasulungin pa ng dalawang panig ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road."
Ipinahayag naman ni Mahathir na layon ng kanyang pagdalaw sa Tsina na ipakita sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino na hindi nagbabago ang isinasagawang patakarang pangkaibigan ng Malaysia sa Tsina. Sinabi niya na pakay ng "Belt and Road" Initiative na iniharap ni Pangulong Xi ay pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungang sa rehiyong ito. Ito aniya ay makakapaghatid ng benepisyo sa lahat ng bansa sa rehiyon. Sinusuportahan at aktibong nilalahukan ng Malaysia ang inisyatibong ito, dagdag pa niya.
Ayon pa sa isang ulat mula sa Japanese Nomura Securities, ang Malaysia ay isa sa apat na ekonomiyang Asyano na natatamo ang mas maraming benepisyo mula sa konstruksyon ng "Belt and Road." Anito, naakit na ng Malaysia ang mahigit 34.2 bilyong dolyares na kaukulang pamumuhunan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |