Sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, dumalaw sa Tsina si Punong Ministro Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia, mula ika-17 hanggang ika-21 ng buwang ito.
Hinggil dito, ipinahayag kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Malaysia para pasulungin ang pangmatagalang estratehikong partnership ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, at ibayong pasulungin ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Ani Lu, ipinahayag ng mga lider ng dalawang bansa na nananatili at mananaliting matatag ang bilateral na mapagkaibigang patakaran ng dalawang bansa. Aniya, tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa magkasamang pagtatag ng Belt and Road. Positibo rin ang dalawang panig sa ibayong pagpapawalak ng pragmatikong pagtutulungan, at pangangalaga sa malayang kalakalan at multilateralismo, dagdag pa niya.