Ipinahayag Hulyo 2, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dadalaw sa bansa si Emir Sabah Al Ahmad Al-Jaber Al-Sabah ng Kuwait mula ika-7 hanggang ika-10 ng buwang ito. Aniya, sa pananatili sa Tsina, dadalo rin ang lider ng Kuwait sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-8 Ministerial Meeting na nakapaloob sa Porum na Pangkooperasyon ng Tsina at Bansang Arabe.
Ipinahayag ni Lu na ang Kuwait ay isa sa mga bansa sa Gulpo na maagang naitatag ang diplomatikong relasyon sa Tsina at nilagdaan ang dokumentong pangkooperasyon hinggil sa "Belt and Road Initiative." Aniya, nitong ilang taong nakalipas, mabilisang umuunlad ang pagtutulungan ng Tsina at Kuwait, at sumusuporta sila sa isat-isa sa mga isyung may-kinalaman sa kani-kanilang nukleong interes at pagkabahala. Samantala, mabunga aniya ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, gaya ng enerhiya, kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, at iba pa. Dagdag pa niya, ang biyaheng ito sa Tsina ay may mahalagang katuturan sa ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang panig.