Ipinahayag Hulyo 4, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang bansa na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa ibat-ibang panig para pasulungin ang matatamong bunga ng pulong ng mga ministrong panlabas hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Federica Mogherin, Mataas na Kinatawan ng Unyong Europeo sa mga Suliraning Panlabas at Panseguridad, na nakatakdang idaos ang kauna-unahang Foreign Ministers' Meeting hinggil sa isyung nuklear ng Iran sa Vienna, Austria sa ika-6 ng buwang ito. Dadalo sa nasabing pagtitipon ang mga minitrong panlabas ng Pransya, Alemanya, Rusya, Britanya, Tsina, at Iran.
Ipinahayag ni Lu na ang Joint Comprehensive Plan of Action ay natamong bunga ng multilateralismo. Ito aniya'y gumanap ng mahalagang papel sa pangangalaga sa sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear ng daigdig, at katatagan sa Gitnang Silangan.