Ipinahayag Agosto 22, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na ipagpapatuloy ng Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig ang pagbibigay-suporta sa pagsisikap ng dalawang panig sa Peninsula ng Korea para pabutihin ang kanilang pagtutulungan.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Ministring Pandepensa ng Timog Korea na narating na ang kasunduan ng Hilaga at Timog Korea hinggil sa kani-kanilang pagbawas ng sampung bantay sa mga non-military zone.
Ipinahayag ni Lu na positibo ang Tsina sa mga isinagawang hakbang ng Hilaga at Timog Korea para tupdin ang "Panmunjom Declaration." Aniya, ang pagpapasulong ng pag-uunawaan at pagtutulungan ng dalawang panig ay makakatulong hindi lamang sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan at pagpapabuti ng pagtutulungan, kundi maging sa ibayong pagpapahupa ng kalagayan sa Peninsula ng Korea.