|
||||||||
|
||
Nang sagutin ang tanong ng media sa kamakailan ng panig Amerikano na nagbabago ang atityud ng Tsina sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, na nakakaapaketo sa proseso ng paglutas sa isyung ito, sa pamamagitan ng talastasan, ipinahayag Sabado, Agosto 25, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagian at malinaw ang posisyon ng Tsina sa isyung nuklear ng Korean Peninsula. Patuloy aniyang pananatilihin ng Tsina ang mahigpit na pakikipagkoordinahan sa iba't-ibang kaukulang panig upang mapatingkad ang positibong papel sa pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at pangmalayuang katatagan at kapayapaan sa Hilagang Silangang Asya.
Ani Lu, ang pananalita ng panig Amerikano ay taliwas sa katotohanan, at hindi ito responsable. Lubos itong ikinababahala ng panig Tsino, at iniharap na ng Tsina ang solemnang representasyon sa panig Amerikano, dagdag niya.
Sinabi ni Lu na nitong mga taong nakalipas, napakalaking pagsisikap ang ginagawa ng panig Tsino para mapasulong ang maayos na paglutas sa nasabing isyu. Dagdag pa niya, patuloy na pinapatingkad ng Tsina ang mahalaga at konstruktibong papel sa isyung ito. Sa mula't mula pa'y komprehensibo at mahigpit na tinutupad ng panig Tsino ang resolusyon ng United Nations (UN) Security Council tungkol sa Hilagang Korea, at kinikilala ng komunidad ng daigdig ang mga ito, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |