Ipinahayag Agosto 27, 2018, dito sa Beijing ni Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Patnubay ng mga Gawain ng Belt and Road Initiative (BRI) na nakahanda ang Tsina na palawakin ang kooperasyon ng mga bansa at bahay-kalakal sa third-party market.
Nang araw ring iyon, sinabi ni Ning sa isang news briefing na ang third-party market ay bukas, inklusibo, at mabisang modelo ng pandaigdigang kooperasyon, at ito ay nagpapakita ng kaisipan ng "extensive consultation, join contribution and shared benefit" ng BRI. Aniya, ito ay nakakatulong sa pagdaragdag ng bentahe ng mga bahay-kalakal ng Tsina at iba pang bansa, lalu-lalo na mga maunlad na bansa at transnasyonal na kompanya, at nang sa gayo'y, magkakasamang pasisiglahin ang kabuhayan ng ika-3 bansa.
Salin:Lele