Idinaos mula ika-2 hanggang ika-3 ng Hulyo, 2018 sa Beijing ang Pandaigdigang Porum ng Kooperasyong Pambatas ng Belt and Road Initiative (BRI) sa Beijing. Mahigit 350 opisiyal, kinatawan ng pandaigdig na organisasyon, dalubhasa at mga kawani ng suliraning pambatas ang kalahok sa porum.
Ayon sa komong palagay na inilabas ng porum, isasagawa ang kooperasyong pambatas base sa prinsipyo ng magkakasamang pagsasanggunian, pagtatatag at pagbabahagi; dapat sundin at pabutihin ang sistema ng mga regulasyong pandaigdig, pahigpitin ang koordinasyong pambatas sa kalakalan, pamumuhunan, pinansya, buwis, karapatan ng pagmamay-ari sa likhang isip (IPR), pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa; dapat aktibong iwasan at maayos na lutasin ang mga hidwaan para lumikha ng matatag, makatarungan, at maayos na kapaligirang pangnegosyo; at dapat palalimin ang pagpapalitan hinggil sa batas.
Ang porum ay magkasanib na itinaguyod ng Ministring Panlabas ng Tsina at China Law Society (CLS), ito ay kauna-unahang pagdaos ng Tsina ng ganitong porum.
salin:Lele