Ang taong ito ay ika-5 anibersaryo ng pagsisimula ng Tsina ng konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI). Nitong 5 taong nakalipas, masiglang tinanggap at nilahukan ang BRI ng buong daigdig, at napabilang ang kaisipan ng BRI sa mga dokumento ng United Nations at iba pang pandaigdigang mekanismo. Hanggang sa kasalukuyan, may 103 bansa at pandaigdig na organisasyon na nakipaglagda ng 118 kasunduang pangkooperasyon ng BRI sa Tsina.
Sa news briefing noong ika-27 ng Agosto dito sa Beijing, ipinahayag ni Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Patnubay ng mga Gawain ng BRI na nakamtan na ng mga proyektong pangkooperasyon ang progresong substansyal.
salin:Lele