Manila—Martes, Agosto 28, 2018, ipinahayag ni Carlos Dominguez, Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas, na napakalaki ng impluwensiya ng Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina, at may pag-asang magsisilbi itong driving force ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Aniya, maaaring iugnay ng nasabing inisiyatiba ang kabuhayan ng iba't ibang bansa, upang mapasulong ang pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng mga bansa, at mapataas ang lebel ng kanilang konektibidad.
Dagdag pa ni Dominguez, pinapasulong ng pamahalaang Pilipino ang plano ng "Build Build Build," at nakahandang palakasin ang kooperasyon sa Tsina sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road.
Salin: Vera