|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng Cambodian People's Party (CPP), mula Agosto 28 hanggang 30, 2018, bumibiyahe sa Cambodia si Song Tao, Ministro ng International Liaison Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw kay Hun Sen, Pangulo ng CPP at Punong Ministro ng Cambodia, bumati si Song sa pagwawagi ng CPP sa pambansang halalan. Ipinagdiinan niya ang kahandaan ng CPC na palakasin ang pakikipagpalitang pangkaibigan sa CPP upang magkasamang mapasulong pa ang relasyong Sino-Kambodyano.
Ipinahayag naman ni Hun Sen ang kahandaan ng kanyang bansa na palalimin ang pagpapalitan ng dalawang partido, at palawakin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |