Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Kahilingan ng mga bahay-kalakal na Amerikano, ayaw dinggin ng kanilang pamahalaan

(GMT+08:00) 2018-08-30 11:51:12       CRI

Mula noong ika-20 hanggang ika-27 ng Agosto, 2018, ayon sa umano'y resulta ng Section 301 Investigation, idinaos ng Office of the United States Trade Representative (USTR) ang pagdinig tungkol sa plano sa pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga inaangkat na panindang Tsino na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares. Karamihan sa mga kalahok sa pagdinig ay nanawagan sa pamahalaan na maingat na gumawa ng desisyon, at lubos na isa-alang-alang ang interes ng mga mamimili at bahay-kalakal na Amerikano. Para naman sa mga taong nagbibigay-pansin sa paglago ng kabuhayang pandaigdig at pag-unlad ng malayang kalakalan, kanilang naramdaman ang kalungkutan mula sa nasabing pagdinig.

Una, nagpokus ang bahaging tanungan at sagutan ng pagdinig sa isyung kung babaguhin ba o hindi ang supply chain, at wala itong katuturan. Sa kasalukuyan, halos 80% ang proporsyon ng global supply chain sa kalakalang pandaigdig. Ipinakikita ng isang ulat na inilabas ng IHS Markit, isang kompanya ng pananaliksik sa pamilihan ng Britanya, na noong Pebrero 2017, ang Tsina ay nagsilbing "sentro ng global supply chain." Ang mura't de-kalidad na produktong Tsino ay pundamental na elemento sa pamumuhay ng middle class ng Amerika.

Ika-2, itinuturing na pagkakataon ng iilang bahay-kalakal na Amerikano ang nasabing pagdinig para sugpuin ang kani-kanilang kakompetisyon. Hanggang sa kasalukuyan, idinaos na ang 3 pagdinig na may kinalaman sa umano'y "resulta ng Section 301 Investigation." Nanawagan ang karamihan sa mga bahay-kalakal mula sa mga larangang gaya ng industriya ng tingi, kasuotan, food processing, machinery manufacturing, at semiconductor, na huwag ipataw ang taripa. Samantala, hiniling naman ng ilang bahay-kalakal sa mga produktong yari sa asero at aluminium na ipataw ng pamahalaan ang dobleng taripa, hindi lamang batay sa Section 232 Measures, kundi rin sa Section 301 Measures. Layon nilang sugpuin ang mga kakompetisyong Tsino.

Bukod dito, bilang pinakapangunahing bansang tagapagtatag ng World Trade Organization (WTO), nangako ang Amerika sa WTO na magtitimpi sa paggamit ng Section 301 Measures. Pero ngayon, habang isinasagawa ang unilateral na hakbangin sa limitasyon sa kalakalan, batay sa sariling batas na panloob, sinasabi ng Amerika na ilegal ang sapilitang pagpapataw ng Tsina ng ganting taripa sa mga inaangkat na produktong Amerikano na nagkakahalaga ng 50 bilyong dolyares. Sa katuwiran nito, balak nitong ipataw ang karagdagang taripa sa mga inaangkat na panindang Tsino na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares.

Natapos na ang kaukulang pagdinig ng USTR. Ito ang regular na prosedyur bago ipataw ng pamahalaang Amerikano ang karagdagang taripa, at hindi nito babaguhin ang desisyon ng pamahalaan. Kung patuloy na ipapataw ng Amerika ang karagdagang taripa, kalungkutan at kawalang pag-asa ang posibleng idulot nito sa mga bahay-kalakal at mamimiling Amerikano.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>