Miyerkules, Agosto 29, 2018, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Pilipinas ay mahalagang partner sa pagtatatag ng Belt and Road. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Pilipino, na palakasin ang estratehikong sinerhiya, para mapasulong ang komong kaunlaran ng dalawang bansa.
Ipinahayag kamakalawa ni Carlos Dominguez, Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas, na napakalaki ng impluwensiya ng Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina, at may pag-asang magsisilbi itong lakas-tagapasulong ng paglago ng kabuhayang pandaigdig. Aniya, pinapasulong ng pamahalaang Pilipino ang plano ng "Build Build Build," at nakahanda itong palakasin ang kooperasyon sa Tsina, sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na hinahangaan ng Tsina ang kaukulang pahayag ni Kalihim Dominguez. Aniya, sa katatapos na pagdalaw sa Tsina ng delegasyong Pilipino na pinamunuan ni Kahilim Dominguez, narating ng kapuwa panig ang maraming komong palagay tungkol sa pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan. Dagdag pa niya, pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong Sino-Pilipino, at nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Pilipinas, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Vera