Miyerkules, Agosto 22, 2018, nakipagtagpo si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Alan Peter Cayetano, dumadalaw na Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Ipinalalagay ng kapuwa panig na napakahalaga ng pagpapahigpit ng pagtitiwalaan. Nakahanda anila silang aktibong pasulungin ang pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga departamento ng dalawang bansa sa iba't ibang antas, pahigpitin ang pag-uunawaan, at patibayin ang pagtitiwalaan. Sumang-ayon din silang magkasamang magpunyagi para gumawa ng paghahanda sa pag-uugnayan ng dalawang bansa sa mataas na antas sa susunod na yugto.
Dahil ang Pilipinas ay kasalukuyang bansang tagapagkoordina ng relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kapuwa sinang-ayunan ng dalawang ministro na magkasamang pasulungin ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, patuloy na mabisang ipatupad ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at maayos na pasulungin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea.
Salin: Vera