Kinatagpo Agosto 22, 2018 sa Beijing ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang delegasyong Pilipino na pinamunuan ni Carlos Dominguez, Kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Wang na sa pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, mabilisang umuunlad ang relasyong Sino-Pilipino. Ito aniya'y angkop sa pundamental na interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Pilipinas sa mataas na antas, para ibayo pang pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang aktibong lalahok ang Pilipinas sa konstruksyon ng Belt and Road.
Ipinahayag naman ni Kalihim Dominguez na patuloy na magbibigay-suporta at lalahok ang Pilipinas sa konstruksyon ng Belt and Road. Aniya, lalahok din ang kanyang bansa sa kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) na gaganapin sa Shanghai sa Nobyembre, 2018.