|
||||||||
|
||
Sa kanilang pag-uusap Sabado, Setyembre 1, 2018, kapuwa ipinahayag nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nana Akufo-Addo ng Ghana ang kahandaang ibayo pang pasiglahin ang tradisyonal na pagkakaibigan at pasulungin ang pagpapapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Si Pangulong Xi Jinping (kaliwa) habang naghahandog ng seremonyang panalubong para kay Pangulong Nana Akufo-Addo (kanan), bago ang kanilang pag-uusap, sa Great Hall of the People sa Beijing, Tsina, Sept. 1, 2018. (Xinhua/Yin Bogu)
Binalik-tanaw ni Pangulong Xi ang nangunang papel ng relasyon ng Tsina at Ghana sa relasyong Sino-Aprikano. Nanawagan siyang patuloy na pahigpitin ng dalawang bansa ang koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig para magkasamang mapangalagaan ang mga interes ng mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag naman ni Pangulong Akufo-Addo ang kahandaan na palalimin ang relasyon ng dalawang bansa at aktibong lumahok sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan.
Sina Pangulong Xi Jinping (ika-2 sa kanan) at ang kanyang asawa na si Peng Liyuan (una sa kanan), kasama ni Pangulong Nana Akufo-Addo (ika-2 sa kaliwa) at ang kanyang asawa (una sa kaliwa) sa Beijing, Tsina, Sept. 1, 2018. (Xinhua/Huang Jingwen)
Si Pangulong Akufo-Addo, kasama ng ibang mga lider na Aprikano ay nakatakdang lumahok sa dalawang-araw na 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) na bubuksan bukas sa Beijing, kabisera ng Tsina.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |