Sa 2018 Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) Summit na ginanap sa Beijing Lunes, Setyembre 3, 2018, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kinakatigan ng Tsina ang Aprika sa pagsasakatuparan sa kabuuan, ng kaligtasan ng pagkaing-butil bago dumating ang taong 2030. Aniya, sa plano ng aksyon hinggil sa kooperasyong agrikultural na magkakasamang babalangkasin at isasagawa ng Tsina at Aprika, 50 proyekto ng agrikulturang pantulong ang isasagawa, ipagkakaloob ng Tsina ang 1 bilyong Yuan, RMB na pangkagipitang makataong tulong sa mga apektadong bansang Aprikano, at ipapadala ang 500 dalubhasang agrikultural sa Aprika.
Salin: Li Feng