Sa 2018 Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) Summit na ginanap sa Beijing Lunes, Setyembre 3, 2018, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ipinasiya na ng Tsina na balangkasin kasama ng Unyong Aprikano (AU), ang "Plano ng Kooperasyong Sino-Aprikano sa Konstruksyon ng Imprastruktura." Aniya, kinakatigan ng Tsina ang pakikilahok ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa konstruksyon ng imprastruktura ng Aprika sa mga paraang gaya ng pamumuhunan, at pagtatayo. Bukod dito, palalakasin pa ang kooperasyon ng dalawang panig sa mga larangang tulad ng enerhiya, komunikasyon, tele-komunikasyon, transnasyonal na yamang-tubig, sabi ni Xi.
Salin: Li Feng