Idinaos sa Beijing ngayong araw ang Ika-7 Pulong Ministeryal ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Lumahok dito ang mga ministro ng Tsina at 53 kasaping bansang Aprikano ng FOCAC.
Magkasamang nangulo sa pulong sina Wang Yi, Ministrong Panlabas at Kasangguni ng Estado ng Tsina; Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina; Lindiwe Silulu, Ministro ng Pandaigdig na Relasyon at Kooperasyon ng Timog Aprika; at Robert Haydn Davies, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Timog Aprika.
Nakatakdang idaos sa Beijing bukas, Lunes, Setyembre 3, 2018 ang dalawang-araw na FOCAC 2018 Beijing Summit.
Salin: Jade