NAGTAPOS na ang paglilingkod ni Atty. Theodore Te nbilang tagapagsalita ng Korte Suprema at bilang pinuno ng Public Information Office.
Naisumite na niya ang kanyang letter of resignation kanina kay Chief Justice Teresita Leonardo De Castro. Tinanggap na rin ni Chief Justice De Castro ang kanyang pagbibitiw.
Dapat siyang nagtapos ng kanyang serbisyo sa Korte Suprema noong mapatalsik si Chief Justice Sereno subalit binigyan siya ng extension ni Acting Chief Justice Antonio Carpio at nang dalawang pinuno ng mga dibisyon sa Korte Suprema hanggang sa mahirang ang bagong chief justice.
Kasabay ng kanyang pagbibitiw ang pag-alis bilang Assistant Court Administrator na mahalaga rin. Ani Atty. Te, makabubuting makapamili ng sariling tao ang bagong chief justice. Binanggit niya ito sa kanyang letter of resignation noong nakalipas na Miyerkoles, ika-29 ng Agosto. Magiging Acting Supreme Court PIO chief si Atty. Ma. Gleoresty Guerra sa kanyang briefing bukas.
Naglingkod na rin si Atty. Guerra bilang tagapagsalita ng Korte Suprema kasunod ng pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona. Babalik si Atty. Te sa kanyang pagtuturo.