TATAAS na naman ng piso bawat litro ang presyo ng petrolyo mula bukas. Hiwalay na naglabas ng kani-kanilang abiso ang Flying V, SEAOIL, Philippine Shell at Chevron na nagsabing magtataas sila ng P 1.20 sa diesel at 98 sentimos sa gasolina at maging sa kerosene. Magsisimula ito bukas ng ika-anim ng umaga. Naglalaro na ang gasolina mula P 45.30 hanggang P 63.06 bawat litro samantalang ang diesel naman ay mula P 41.70 hanggang P 51.83 bawat litro.
Sa pagtaas ng presyo ng gasolina, tiyak tataas na naman ang presyo ng bilihin.