Natapos kamakailan ang pampublikong konsultasyon tungkol sa plano ng Amerika na patawan ng karagdagang taripa ang mga produktong Tsino na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares. Ayon sa ulat, bagama't lampas sa 90% respondents ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa hakbanging ito, nagbabalak ang pamahalaang Amerikano na patuloy itong isagawa.
Kaugnay nito, sa isang regular na preskong idinaos Huwebes, Setyembre 6, 2018, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ipinahayag ni Gao Feng, tagapagsalita ng ministring ito, na kung ipagwawalang bahala ng panig Amerikano ang pagtutol ng nakararaming bahay-kalakal, kikilos alinsunod sa sariling kagustuhan, at isasagawa ng Tsina ang mga bagong hakbangin ng pagdaragdag ng taripa sa mga produktong Tsino, walang ibang pagpili ang Tsina kundi isagawa ang mga kinakailangang hakbang.
Inulit din niya na ang anumang pagpataw ng presyur sa Tsina ay walang batayan at walang bisa. Aniya, hindi malulutas ang digmaang pangkalakalan ng anumang problema, at ang pantay at matapat na diyalogo at pagsasanggunian ay tanging tumpak na pagpili sa paglutas sa trade conflict ng dalawang panig.
Dagdag pa niya, mahigpit na susubaybayan ng panig Tsino ang iba't-ibang epektong dulot ng pagdaragdag ng taripa, at isasagawa nito ang malakas na hakbangin para tulungan ang mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan sa pagpawi ng mga kahirapan. May kompiyansa, kakayahan, at paraan ang Tsina sa pangangalaga sa matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayan, aniya pa.
Salin: Li Feng