|
||||||||
|
||
Isang buwan bago ilabas noong Marso, 2018 ng kinatawang pangkalakalan ng Amerika ang "301 Investigation Report" at ilunsad ang digmaang pangkalakalan sa Tsina, isinapubliko ng American Chamber of Commerce in China (AmCham China) ang "Ulat ng Pag-imbestiga sa Kapaligirang Komersyal ng Tsina sa Taong 2018" kung saan nakikitang noong isang taon, 73% bahay-kalakal na Amerikano ang nagkatubo sa Tsina, at plano ng 74% bahay-kalakal nito na palawakin ang kanilang negosyo sa Tsina sa kasalukuyang taon. Itinuturing ng halos 60% bahay-kalakal ng Amerika ang Tsina bilang isa sa tatlong pinakamagandang destinasyong pampamumuhunan. Ipinalalagay naman ng 46% na bahay-kalakal nito na sa loob ng darating na tatlong taon, ibayo pang bubuksan ng Tsina ang pamilihan nito para sa mga pondong dayuhan. Ayon dito, optimistiko ang nakakaraming bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong Amerikano sa prospek ng pamilihang Tsino.
Ayon naman sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, naitatag ang bagong 29,591 bahay-kalakal ng pondong dayuhan dito sa Tsina. Ito ay mas malaki ng 96.6% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Aktuwal namang nagamit ng Tsina ang mahigit 68.3 bilyong dolyares na pondong dayuhan na lumaki ng 4.1%. Sa mga pangunahing pinag-mulan ng pamumuhunan, lumaki ng 29.1% ang pondong aktuwal na pinamuhunan ng Amerika sa Tsina.
Sa kabila ng epektong dulot ng digmaang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, napapanatili pa rin ng pondong dayuhan ang kanilang kompiyansa sa Tsina. Kung pag-uusapan kung ano ang sanhi nito, mayroong limang elemento: Una, may pagkakataon ang Tsina sa paglaki nang sabay ng produksyon at konsumo; Ikalawa, may bentahe ang Tsina sa kompletong industry chain, bagay na nagkakaloob ng mainam na suporta sa produksyon ng mga dayuhang bahay-kalakal; Ikatlo, may pagkokomplemento ang kakayahan ng produksyon ng Tsina at kakayahang mapanlikha ng mga maunlad na bansa; Ikaapat, bagama't di ganap na nakikita ang epektong dulot ng digmaang pangkalakalan, sa kabuuan, ang matatag na pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig ay makakapagbigay ng paborableng kondisyon para sa pag-aakit ng Tsina ng pondong dayuhan; Ikalima, patuloy na palalakasin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa aktuwal na aksyon.
Kaya, kapag matatag na tumatakbo ang operasyong panloob ng kabuhayang Tsino, patuloy na makakaakit ang napakalaking pamilihan at kompletong industry chain ng pondong dayuhan. Di maaaring pagdudahan ang kakayahan ng Tsina sa pag-akit ng pondong dayuhan dahil lamang sa digmaang pangkalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |