Ipinadala kahapon, Huwebes, ika-6 ng Setyembre 2018, ng 150 samahan ng mga industriya ng Amerika, ang magkasanib na mensahe kay Robert Lighthizer, United States Trade Representative, bilang panawagan sa pamahalaang Amerikano na huwag magpataw ng karagdagang taripa sa mas marami pang panindang Tsino na aangkatin ng Amerika.
Ang naturang mga samahan ay kumakatawan ng mga manufacturer, magsasaka, retailer, bahay-kalakal na pansiyensiya at panteknolohiya, kompanya ng langis at natural gas, importer, exporter, at iba pa.
Sinabi rin nila sa mensahe, na ang pagpapataw ng karagdagang taripa ay makakapinsala sa global supply chain, at makakasama sa interes ng mga bahay-kalakal at mamimiling Amerikano. Dagdag nila, ang ganitong hakbangin ay hindi magreresulta sa makabuluhang talastasan o konsesyon.
Salin: Liu Kai