Kinumpirma ng Pambansang Asemblea ng Cambodia ang panunungkulan ni Hun Sen bilang Punong Ministro ng bansa sa susunod na limang taon. Nakaupo si Hun sa nasabing luklukan sapul noong 1985.
Inaprubahan din ng Pambansang Asemblea ng bansa ang bagong kabinete ni Hun Sen, na binubuo ng 10 pangalawang punong ministro, 17 matataas na ministro, at 29 na ministro.
Sa kanyang talumpati sa nasabing asemblea, ipinahayag ni Hun Sen ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga mambabatas. Ipinangako rin niyang sa kanyang termino sa susunod na limang taon, patuloy na pangangalagaan ng pamahalaang Kambodiyano ang pambansang kapayapaan, at pasusulungin ang pambansang kaunlaran sa iba't ibang larangan para mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Jade
Pulido: Mac