Noong ika-12 ng Hunyo, 2018, natapos ng medical team mula sa Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina ang proyekto ng paggamot ng katarata sa Lalawigang Kampong Cham ng Kambodya. Noong isang buwan, 441 operasyon sa katarata ang isinagawa doon.
Ang proyekto ay isinagawa ng Ministri ng Kalusugan ng Kambodya, Guangxi Zhuang Autonomous Region Health and Family Planning Commission, at Asian Foundation For the Prevention of Blindness. Ang medical team ng Tsina ay ginawaran ng certificate bilang pagpapahayag ng pasasalamat ng Governor ng Lalawigang Kampong Cham ng Kambodya.
Ang ika-2 batch ng medical team mula sa Tsina ay inaasahang babalik ng Kambodya sa katapusan ng Hulyo o unang hati ng Agosto ng taong ito.
Salin:lele