Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-7 ng Setyembre 2018, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, dadalo si Pangalawang Premyer Hu Chunhua ng Tsina sa World Economic Forum on Association of Southeast Asian Nations (WEF ASEAN), na idaraos mula ika-11 hanggang ika-13 ng buwang ito sa Hanoi, Biyetnam.
Ayon naman sa panig Biyetnames, ang tema ng kasalukuyang porum ay "ASEAN 4.0: Entrepreneurship and the Fourth Industrial Revolution." Lalahok dito ang mahigit 1 libong tauhan ng iba't ibang bansa, na kinabibilangan ng mga opisyal ng pamahalaan, mga puno ng bahay-kalakal, mga mamamahayag, at iba pa.
Salin: Liu Kai