Magkasamang idinaos Miyerkules, Agosto 29 ang Porum ng Tsina't ASEAN sa Bagong Enerhiya at Porum ng East Asia Summit (EAS) sa Bagong Enerhiya, sa Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunnan sa dakong timog ng Tsina. Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa Tsina, mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Estados Unidos, Australia, Nepal, at mga organisasyong pandaigdig.
Nakahanda ang mga kalahok na bansa na magkakasamang pabilisin ang pagpapabuti ng bilateral at multilateral na kooperasyon sa bagong enerhiya para mapasulong ang berde, sustenable at komong kaunlaran.
Salin: Jade
Pulido: Mac