Mula ika-5 hanggang ika-6 ng Setyembre, 2018, idinaraos sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang China-ASEAN Seminar on Disaster Risk Reduction. Isinasagawa ng mga opisyal ng departamento ng pangangasiwa sa likas na kapahamakan, dalubhasa at kinatawan mula sa Tsina, Pilipinas, Biyetnam, Laos, Myanmar at iba pang bansa ang pagtalakay at pagpapalitan tungkol sa pagpigil, pagbabawas ng epekto, at pagbibigay-tulong sa likas na kapahamakan.
Ayon sa salaysay, ang mga paksa ng kasalukuyang seminar ay may kinalaman sa mga aspektong gaya ng siyensiya, teknolohiya at patakaran sa panganib ng kapahamakan, paraan at kagamitan ng pangangasiwa sa panganib ng kapahamakan, reserba ng pondo't materyal at pasilidad sa pagpigil sa kapahamakan, pagpapalakas ng paghahanda para harapin ang likas na kapahamakan, rekonstruksyon at iba pa. Sa panahon ng seminar, tatalakayin ng iba't ibang panig ang plano sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkooperasyon sa pagpigil, pagbabawas sa epekto at pagbibigay-tulong sa likas na kapahamakan ng ASEAN.
Salin: Vera