Ipinatalastas ngayong araw, Biyernes, ika-7 ng Setyembre 2018, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-12 hanggang ika-15 ng buwang ito, idaraos sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, ang Ika-15 China-ASEAN Expo (CAEXPO) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Ani Hua, dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng mga ito si Han Zheng, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Salin: Liu Kai