Sinabi kamakailan ni Michael Pence, Pangalawang Pangulo ng Amerika, na ang isyu ng sandatang kemikal ay nagsisilbing "red line" at batayan ng isinasagawang patakaran ng pamahalaan ni Donald Trump sa Syria.
Ani Pence, kasalukuyang mahigpit na sinusubaybayan ng kanyang bansa ang situwasyon ng probinsyang Idlib para maigarantiyang hindi magaganap ang makataong krisis sa probinsyang ito. Aniya, malinaw na ipinahayag ng Amerika sa Syria, Rusya, at Iran na hindi pahihintulutan ng Amerika at mga kaalyadong bansa nito ang kilos ng paggamit ng sandatang kemikal sa mga sibilyan doon. Kung magaganap ang tulad na pangyayari, agarang isasagawa ng Amerika at mga kaalyadong bansa ang mabilis na katugong aksyon.
Salin: Li Feng