Mula ika-8 ng buwang ito, hanggang ngayong araw, ika-11 ng Setyembre 2018, dumalaw sa Pilipinas si Ji Bingxuan, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina. Kinatagpo siya nina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, at Deputy Speaker Arthur Yap.
Ipinahayag ni Ji ang kahandaan ng NPC, kasama ng Kongreso ng Pilipinas, na ipatupad ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang pagpapalagayan at pagtutulungan, at ipagkaloob ang garantiya sa aspekto ng batas at patakaran para sa pangmatagalang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ng mga opisyal na Pilipino ang pagpapahalaga sa relasyong Pilipino-Sino. Umaasa anila siyang isasagawa sa Pilipinas ang mas maraming proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative, palalalimin ang pagpapalitan ng mga kongreso, at palalakasin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan. Ang mga ito anila ay makakatulong sa walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai