|
||||||||
|
||
Vladivostok, Rusya—Nanawagan si Pangulong Xi Jinpin ng Tsina sa mga bansa sa Hilaga-Silangang Asya na palakasin ang pagtutulungan sa Far East ng Rusya at Hilaga-Silangang Asya para sa mas magandang kinabukasan ng rehiyon.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi sa kanyang talumpati sa sesyong plenaryo ng Ika-4 na Eastern Economic Forum (EEF) na idinaos nitong Miyerkules.
Si Xi habang nagtatalumpati sa sesyong plenaryo ng EEF
Lumahok din sa sesyon sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Khaltmaa Battulga ng Mongolia, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Punong Ministro Lee Nak-yon ng Timog Korea (ROK).
Si Xi (ikatlo sa kaliwa), kasama nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Khaltmaa Battulga ng Mongolia, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Punong Ministro Lee Nak-yon ng Timog Korea (ROK) sa sesyong plenaryo ng EEF
Ipinagdiinan ni Xi na kailangang itatag ng mga bansa ng Hilaga-Silangang Asya ang bagong pamamaraan ng koordinadong pag-unlad, pabilisin ang inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, at magkakasamang harapin ang mga isyu ng pangangalaga sa kapaligiran ng rehiyon.
Inilahad ng pangulong Tsino na ang pagtatatag ng Hilaga-Silangang Asya na may harmonya, pagtitiwalaan, pagkakaisa at katatagan ay angkop sa interes ng iba'ibang bansa. Mayroon din itong mahalagang katuturan sa pangangalaga sa mulilateralismo at pagpapasulong ng kaayusang pandaigdig tungo sa mas makatwiran at mas makatarungang direksyon, dagdag pa niya. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap para rito.
Sa kanyang talumpati, ipinakilala rin ni Xi ang mga natamong bunga ng Tsina at Rusya sa kooperasyon sa Far East nitong ilang taong nakalipas.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |