Sa pagtataguyod ng pamahalaan ng Estado ng California, Amerika, binuksan kahapon, Huwebes, ika-13 ng Setyembreo 2018, sa San Francisco ang Global Climate Action Summit. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Xie Zhenhua, Espesyal na Kinatawan ng Tsina sa mga Suliranin ng Pagbabago ng Klima.
Binasa ni Xie ang mensahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa summit na ito. Ipinahayag ni Xi ang pagbati sa pagdaraos ng summit. Sinabi niyang, patuloy at aktibong lalahok ang pamahalaang Tsino sa pandaigdig na kooperasyon bilang tugon sa pagbabago ng klima, at magbibigay din ng positibong ambag para sa sustenableng pag-unlad ng buong daigdig.
Salin: Liu Kai