|
||||||||
|
||
Ipinahayag Sabado, Setyembre 15, 2018, ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran, na sa pagharap sa isyu ng pagtalikod ng Amerika sa Komprehensibong Kasunduan sa Isyung Nuklear ng Iran, kung itutuloy ng mga bansang Europeo ang kanilang negatibong aksyon, posibleng itaas ng kanyang bansa ang lebel ng uranium enrichment activity.
Sa isang panayam, sinabi ni Zarif na dapat umaksyon ang Europa at mga iba pang kaukulang panig sa nasabing kasunduan upang alisin ang mga negatibong epektong dulot ng ipinapataw na sangsyon ng Amerika. Dapat maging magkapareho ang pananalita at aksyon ng mga bansang Europeo, dagdag pa niya.
Noong Mayo, 2018, ipinatalastas ng Amerika ang pagtalikod sa naturang kasunduan. Noong Agosto, unilateral din nitong pinasimulan muli ang mga sangsyon laban sa Iran. Bunsod nito, magkakasunod na umurong ang mga bahay-kalakal ng Europa sa Iran, at itinigil nila ang kanilang negosyo sa Iran. Kasalukuyang bumababa ang bolyum ng iniluluwas na langis ng Iran sa mga bansang Europeo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |