|
||||||||
|
||
Sa espesyal na simposyum ng Mataas na Porum hinggil sa Pag-unlad ng Tsina sa 2018 na binuksan Linggo, Setyembre 16, 2018, ipinalalagay ng mga ekonomistang Tsino na sa kasalukuyan, nakakapagpahina ang alitang pangkalakalan sa multilateral na sistemang pangkalakalan sa daigdig. Anila, posible itong magdulot ng financial crisis, at grabeng makakapagbigay-dagok sa umaahong kabuhayang pandaigdig.
Sa kanyang talumpati sa simposyum, tinukoy ni Wang Yiming, Pangalawang Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ayon sa "Global Economic Prospects Report" na inilabas ng World Bank (WB) noong Hunyo 5, 2018, ang malawakang pagtaas ng taripa sa buong daigdig ay nakakapagbigay ng grabeng negatibong epekto sa kalakalang pandaigdig.
Ipinalalagay din ni Li Yang, ekonomistang Tsino, na napakaligtas ng kalagayan ng utang ng pamahalaang Tsino. Ang malawakang alitang pangkalakalan na naganap kamakailan sa maraming bansa, ay nakakaapekto nang malaki sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |