Ipinahayag Huwebes, Setyembre 13, 2018, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang kahandaan nitong makipagtalakayan sa mas maraming bansang may intensyon tungkol sa pagtatatag ng Free Trade Area (FTA).
Ani Gao, ang pagpapasulong ng konstruksyon ng FTA ng Tsina at mga kaukulang bansa ay isang mahalagang bahagi ng pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas at pagtatayo ng bukas na pandaigdigang kabuhayan. Samantala, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng nakakaraming bansa para matatag na maipagtanggol ang multilateral na sistemang pangkalakalan at mapangalagaan ang kaayusan ng malayang kalakalan at seguridad ng global industrial chain, ani Gao.
Dagdag pa niya, hanggang sa kasalukuyan, narating na ng Tsina at 25 bansa't rehiyon ang 17 Free Trade Agreement.
Salin: Li Feng