|
||||||||
|
||
Isang kotseng Ford na nakatanghal sa Ika-15 China (Guangzhou) International Automobile Exhibition, Guangzhou, lalawigang Guangdong, Nobyembre 18, 2017. (file photo: IC)
Samantala, sa isang liham nito sa Office of the U.S. Trade Representative, ipinahayag kamakailan ng Apple, higanteng panteknolohiya ng Amerika na kung ipapataw ng pamahalaang Amerikano ang 200 bilyong U.S. dollar na taripa sa mga inaangkat na produkto mula sa Tsina, tataas ang running cost ng kompanya at mauuwi ito sa disbentahe ng Apple kumpara sa mga competitor sa pamilihang pandaigdig. Bilang tugon, nanawagan si Pangulong Trump sa Apple na gumawa ng mga produkto sa Amerika sa halip ng Tsina. Pero, ayon sa mga tagapag-analisa, hindi tatanggap ang Apple ng mungkahi ni Trump dahil magpapataas ito ng mga cost ng kompanya.
Simple ang dahilan ng pagtanggi ng nasabing dalawang kompanyang Amerikano na ibalik ang produksyon sa Amerika: maaari silang manatiling mababa ang mga cost at mataas ang mga tubo.
Siyam na taong singkad na ang Tsina ang nagsisilbing pinakamalaking pamilihan ng sasakyang-de-motor ng daigdig. Noong unang hati ng taong ito, 12.23 milyong sasakyang-de-motor ang ibinenta sa Tsina na nanguna sa daigdig. Kabilang dito, ang pinakapopular ang F-series ng Ford at 0.5 milyong sasakyan ang ibinenta.
Para sa naman sa Apple, tumitingkad ang kahalagahan ng Tsina sa pandaigdig na technology industrial chain. Sa 200 kabuuang supplier nito sa daigdig sa taong 2018, 34 ang mula sa Hong Kong at Chinese mainland na tumaas ng 7 kumpara sa taong 2017. Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng Apple na mayroon itong mas maraming supplier mula sa Tsina ay mas mababang labor costs, bumubuting kapaligirang pangnegosyo, at tumataas na episyensiya. Kung ibabalik nito ang produksyon sa Amerika, kahaharapin nito ang tataas na labor costs, at tataas na halaga sa pagpapanatili ng industrial supply chain nito. Magdudulot ito ng mas mataas na presyo para sa mga mamimili o mas mababang tubo para sa mga shareholder.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |