Ipinahayag ika-16 ng Setyembre, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pakikiramay ng Tsina sa Pilipinas kaugnay ng mga kasuwati at kapinsalaang dulot ng bayong "Mangkhut" o "Ompong."
Ani Geng, nananalig ang Tsina na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte, tiyak na maayos na mahaharap ng mga mamamayan ng Pilipinas ang kalamidad, mababawasan ang kapinsalaan at mapapanumbalik ang normal na pamumuhay sa mga apektadong lugar. Aniya, magkakaloob ang Tsina ng tulong sa Pilipinas sa abot ng makakaya nito.
Dagdag pa ni Geng na sinang-ayunan ng Tsina ang mungkahi ng Pilipinas na ipagpaliban ang pagdalaw ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Pilipinas na itinakda sa ika-16 hanggang ika-17 ng Setyembre. Muling itatakda ang bagong petsa sa pamamagitan ng dilplomatikong paraan, aniya pa.
salin:Lele