Ipinahayag Setyembre 17, 2018, dito sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na inaasahan ng Tsina na matatamo ang positibong bunga ng pagtatagpo ng mga lider ng Timog at Hilagang Korea. Aniya, patuloy na puspusang kumakatig ang Tsina sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang panig ng Korean Peninsula, at nang sa gayo'y, patuloy na nagsisikap para maisakatuparan ang ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at pag-iral ng pangmatagalang kapayapaan sa Hilagang-silangang Asya.
Ayon sa ulat, itinatag kamakailan ang joint liaison office ng Timog at Hilagang Korea sa Kaesong Industrial Park para tumugon sa mga suliranin hinggil sa pagdaos ng pagsasagunian at pagsasakatuparan ng Panmunjom Declaration. Lubos na pinapurihan ni Geng ang hakabang na ito.
salin:Lele