Noong ika-6 ng Setyembre, 2018, dumalo at bumigkas ng talumpati si Wang Yang, miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa resepsiyon bilang pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Democratic People's Republic of Korea (DPRK) na idinaos ng pasuguan ng DPRK sa Beijing.
Ipinahayag ni Wang na nakahanda ang Tsina na patuloy na pangalagaan, pahigpitin at paunlarin ang relasyon sa Hilangang Korea, para magbigay benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at magbigay ng bagong ambag sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Chi Jae Ryong, Embahador ng DPRK sa Tsina na hindi magbabago ang prinsipyo ng kanyang bansa na patuloy na pasulungin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Hilagang Korea at Tsina.
salin:Lele