Ipinahayag ngayong araw, Miyerkules, ika-15 ng Agosto, 2018, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mainit na pagtanggap ng panig Tsino sa plano ng Hilaga at Timog Korea hinggil sa pagdaraos ng ika-3 summit sa darating na Setyembre. Umaasa aniya ang panig Tsino, na walang sagabal na idaraos ang summit, at matatamo ang positibong bunga.
Dagdag ni Lu, bilang kapitbansa ng Korean Peninsula, kinakatigan ng Tsina ang pagpapanatili ng Hilaga at Timog Korea ng pag-uugnayan at pag-uusap, para pasulungin ang rekonsilyasyon at kooperasyon.
Salin: Liu Kai