Pagkaraan ng kanilang pag-uusap ngayong umaga, Miyerkules, ika-19 ng Setyembre 2018, sa Pyongyang, nilagdaan nina Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea at Moon Jae-in, Pangulo ng Timog Korea, ang magkasanib na deklarasyon, hinggil sa pagpapasulong ng denuklearisasyon sa Korean Peninsula, at pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Ayon sa teksto ng deklarasyon na inilabas ng Timog Korea, ipinahayag ng Hilagang Korea, na kung isasagawa ng Amerika ang mga hakbangin batay sa diwa ng magkasanib na pahayag na nilagdaan ng Hilagang Korea at Amerika noong ika-12 ng nagdaang Hunyo, nakahanda ang Hilagang Korea na pasulungin ang mga susunod na hakbang ng denuklearisasyon, na gaya ng permanenteng pagpapawalang-bisa ng pasilidad na nuklear sa Yongbyon. Ipinasiya rin ng Hilagang Korea, na isagawa ang unang hakbang, na sa ilalim ng pagmamasid ng mga eksperto ng mga may kinalamang bansa, buwagin ang missile launcher at missile engine test stand sa Tongchang-ri.
Salin: Liu Kai